Mahal Kita, Pero Pagod Na 'Ko: The Struggle of Loving Someone with Low Emotional Intelligence
- Life Unplugged
- Jul 14, 2025
- 2 min read

Hindi madaling magmahal. Pero mas lalo itong nagiging mabigat kapag ang taong minamahal mo ay hindi marunong umintindi ng damdamin mo.
Ito ‘yung silent struggle ng maraming tao—being in a relationship with someone na kulang sa emotional intelligence (EI). Hindi ito about sa pagiging “masama” ng partner mo, kundi sa kawalan ng kakayahang maramdaman, maunawaan, at madama ang emosyon mo—lalo na sa mga panahong ikaw na mismo ang nanghihina.
The Unseen Pain:
May mga araw na gusto mo lang naman na mapakinggan ka, maramdaman na safe ka, na hindi mo kailangang ipaliwanag nang paulit-ulit kung bakit ka umiiyak, kung bakit ka tahimik, o bakit ka biglang napagod.
Pero sa kanila, parang wala lang.
“Drama mo nanaman,”
o kaya naman,
“Ano ba kasi problema mo?”
Hanggang sa mapagod ka na—hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa pakikipaglaban mag-isa.
“It’s exhausting to carry both your emotions and theirs. And still feel unseen.”
What is Low Emotional Intelligence?
Ang taong may mababang emotional intelligence ay kadalasang hirap makinig, hindi marunong um-empathize, at may tendency na i-dismiss o i-minimize ang feelings ng iba.
Minsan, akala mo ikaw ang problema. Pero ang totoo, hindi lang talaga sila marunong mag-navigate ng emotions—lalo na kung lumaki rin sila sa environment na hindi open sa vulnerability o feelings.
Some Signs:
Hindi nila kayang makinig nang hindi naghuhusga.
Sinasabihan ka ng "ang OA mo" kahit valid ang emotions mo.
Hindi nila kayang humingi ng sorry.
Kapag nagkaroon kayo ng conflict, ikaw ang laging mali.
Tahimik lang sila at hindi nakikipag-usap, lalo na kapag may problema.
How to Cope and Heal:
1. Acknowledge your reality.
Minsan, love isn’t enough.
You need emotional safety, too. Hindi selfish na hanapin ‘yun.
2. Communicate with compassion but boundaries.
Sabihin mo kung ano ang kailangan mo—clear, calm, and kind. Pero maglagay din ng hangganan kapag palaging nababalewala.
3. Educate and encourage growth.
Kung open sila, try to gently open conversations about emotions. Minsan, hindi sila aware.
Pwede rin mag-therapy kung handa na sila.
4. Choose your peace.
Kapag walang pagbabago kahit sinubukan mo nang lahat, tandaan mong hindi mo tungkulin ayusin ang taong ayaw magbago.
5. Heal beyond them.
Kahit sila ang kulang, ikaw ang napagod.
Kaya alagaan mo rin ang sarili mong sugat.
Hindi mo kasalanan kung bakit hindi ka naiintindihan. At lalong hindi mo obligasyon ituro ang emotional maturity kung paulit-ulit kang nasasaktan sa proseso.
"You can love someone deeply and still choose yourself in the end."
Kung napagod ka sa pagmamahal na walang balik na pag-unawa, pahinga ka muna. Baka oras na para piliin ang katahimikan kaysa sa koneksyon na paulit-ulit kang ginugupo.
Share this story to someone who needs the reminder that their emotions are valid.
You are not too much.
You’re just asking to be held the way you hold others.




Comments